Epal vs Cybercrime Law, dumadami

TULUYAN nang dumadami ang gustong sumawsaw na maging bida sa protesta laban sa Anti-Cybercrime Prevention Act matapos maghain ang ilang senador upang amendahan ang batas.

Magkakasunod-sunod na naghain ng kani-kanilang panukalang amyendahan ang Anti-Cybercrime Law sina Sen. Loren Legarda at Pia Cayetano sa kabila nang nagpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court.

Nitong Lunes, naghain si Legarda ng panukalang tanggalin ang probisyon ng libelo at take down clause o Section 19 ng batas.

Naghain din si Cayetano ng Senate Bill No. 3297 na naglalayong amyendahan ang batas at Senate Bill No. 3298 o Decriminalizing Libel na nauna nang inihain ni Sen. Francis “Chiz” Escudero noong pang 2010.

” In our efforts to combat cybercrimes and provide the necessary penalties for commissions thereof, we must always guarantee that constitutionally-protected rights are upheld and proscriptions laid down in the Constitution are not circumvented,” ayon kay Pia.

Magugunitang kabilang sa naghain ng panukalang batas para amyendahan ang Cybercrime Law ay si Sen. Chiz Escudero at Sen. Loren Legarda.

Samantala, binawi na si Senador Vicente “Tito” Sotto III ang inihaing panukalang batas na naglalayong alisin ang kasong libelo sa Revised Penal Code bilang suporta kay Pangulong Benigno Aquino III na sumasangayon sa libelo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply