Erap, Isko nag-file ng CoCs

PORMAL na ring naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) sina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada at incumbent Manila Vice Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kaninang ng umaga.

Sina Estrada at Moreno ay tatakbo sa mayoralty at vice mayoralty race sa lungsod ng Maynila sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Dakong 11:00 ng umaga nang dumating sa Comelec office sa Arroceros sina Estrada at Moreno kasama ang kanilang 36 na kandidato para sa city council at mga tagasuporta na pawang nakasuot ng kulay orange na t-shirt.

Mahigpit na makakalaban nina Estrada at Moreno sa halalan sina incumbent Manila Mayor Alfredo Lim, na tatakbo sa kaniyang ikatlong termino, at ang ka-tandem nitong si actor-turned councilor na si Lou Veloso, na naghain na rin ng COC nitong Lunes, sa ilalim naman ng Liberal Party.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply