Erap kumpiyansang mangunguna ang UNA

MALAKI ang tiwala ni dating Pangulong Joseph Estrada na mangunguna at magwawagi ang mga “manok” ng United Nationalist Alliance (UNA) coalition lalo na sa senatorial race sa nanalapit na 2013 midterm elections.

Ayon sa dating Pangulo, aarangkada ang kanilang hanay kahit kulang ang kanilang mga senatorial bet na naghain ng certificates of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Intramuros, Maynila, kahapon (Oktubre 1).

Tiniyak naman ni Erap na sa lalong madaling panahon ay agad silang magdedesisyon nina Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile para sa mga guest candidate.

Kahapon ay walong kandidato lamang ng UNA ang naghain ng CoCs sa tanggapan ng poll body.

Ito’y matapos lumipat sa Liberal Party ang mga guest candidate sana na sina Senators Loren Legarda; Chiz Escudero at MTRCB Chairperson Grace Poe Llamanzares.

Umatras naman sa senatorial line up ng kowalisyon si NBN-ZTE Scandal Whistleblower Joey De Venecia III, anak ni dating House Speaker Jose De Venecia Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply