Erap maghahain ng CoC ngayong araw

MATAPOS na maghain ng certificate of candidacy (CoC) si incumbent Manila Mayor Alfredo Lim, susunod naman ngayong umaga si dating Pangulong Joseph Estrada na tatakbong mayor sa lunsod.

Sinasabing mula sa kaniyang bahay sa Sampaloc, magtutungo ang dating presidente sa Liwasang Bonifacio, saka ito maglalakad hanggang sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila para isumite ang kaniyang CoC.

Inaasahang maghahain din ng CoC ngayong araw si MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares, na tatakbong senador sa ilalim ng Liberal Party na guest candidate ng UNA at si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar at Sen. Chiz Escudero.

Samantala, kaagad na sasalain ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na naghain ng certificate of candidacy (CoC) para malaman kung sinu-sino ang mga panggulo o nuisance candidate sa pagka-senador.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na magpapatawag sila ng pagdinig oras na matapos na ang filing of CoC’s upang matukoy kung panggulo lamang ang pakay ng isang kandidato.

Kabilang sa mga pamantayan sa pagtakbo sa eleksiyon ay sinsero sa kalooban at may perang gagastusin sa pangangampanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply