ERC, Meralco hihimayin ang ‘bill deposit’ issue

MAKIKIPAGPULONG ang pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Corporation (Meralco) para makahanap ng solusyon sa krisis na maaaring idulot ng imposisyon ng huli sa pagbabayad sa tinatawag na “bill deposit” ng mga kustomer na kumokonsumo ng kuryente.

Ito’y makaraang kalampagin ng grupong National Association of Electricity Consumers for Reforms (NASECORE) ang ERC na umaksyon sa imposisyon ng bill deposit dahil sa lumabag ang Meralco sa “due process” na dapat aprubahan muna ng ERC ang lahat ng gagawing aksyon ng mga power distributor.

Sinabi ni ERC executive director Francis Juan na aminado sila na karapatan ng Meralco ang pag-aadjust sa kanilang singil ngunit ang paraan nito ay hindi sakop ng kanilang regulasyon na kanilang liliwanagin.

“It’s part of the authority of the Commission to look into the implementation by any distribution utility of the Commission’s regulation on the matter,” ayon kay Juan.

Hindi naman tinukoy ni Juan kung igigiit nila sa Meralco na isuspinde ang imposisyon ng bill deposit.  Ihahayag na lamang umano nila ang magiging resulta ng kanilang pakikipag-usap sa Meralco.

Sa implementasyon ng bill deposit, sisingilin na ng Meralco ang dapat ay deposito ng isang kustumer noong unang beses na nag-aplay ng linya sa kanila.

Kung P1,500 ang deposito, magkakaroon ng dagdag na bayad ang mga kustomer kung lalagpas dito ang kanilang konsumo o “refund” naman kapag hindi umabot sa naturang halaga ang kanilang kuryenteng nakonsumo.

Sa datos ng Meralco, nasa 1.239 milyong kustomer ang dapat magbayad ng dagdag sa kanilang “bill deposit” dahil sa sobra-sobrang konsumo ng kuryente habang nasa 1.239 naman ang mabibigyan ng “refund” at nasa 2.478 milyong kustomer naman ang hindi mabibigyan ng refund o madadagdagan ng singil.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply