Eric Morel magreretiro na

MAGRERETIRO na si dating U.S. Olympian at two-time world champion Eric Morel (46-4, 23 KOs) ng Puerto Rico.

Ayon sa kampo ni Morel, ilalaan na lamang niya ang kanyang panahon bilang manager at boxing promoter.

Kinumpirma rin ng kanyang amang si trainer Cyril Morel ang pagreretiro ni Eric.

Ang dating WBA flyweight champion at WBO bantamweight champion ay natalo sa kanyang huling dalawang laban kina unbeaten Abner Mares at Leo Santa Cruz ngayong taong 2012.

Sinabi ng kanyang ama na marami nang promoter ang gustong makasama si Eric kaya excited na itong magtrabaho sa ibang hanay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply