Erich Gonzales hanga kay Mario Maurer

WALA ang sikat na Thai heartthrob na si Mario Maurer sa presscon ng Suddenly It’s Magic last Friday night dahil nasa Thailand ito.

Pero siniguro naman ng Star Cinema people na makararating ang young actor sa premiere night ng movie na gaganapin sa October 30.

Pero siyempre, present sa presscon ang leading lady ni Mario na si Erich Gonzales at iba pang cast na sina Cacai Bautista, Dinky Doo, Ces Quezada, Dione Monsanto at ang direktor na si Rory Quintos.

Dahil nga magkaiba ng lahi sina Erich at Mario, marami ang curious malaman kung nagkasundo ba naman silang dalawa sa pagtatrabaho at maging sa personal.

Sa trabaho, ayon kay Erich ay wala siyang masasabi kay Mario dahil napaka-professional raw ng aktor.

“Si Mario kasi parang Pinoy rin siya, napakamasayahin niya. Professional siya pagdating sa trabaho, darating sa set na alam niya (ang gagawin). Ang galing-galing niyang makisama sa lahat.

“Siguro noong una lang parang nagkakahiyaan pa. Pero noong nag-click na lahat, hanggang sa matapos, and even up to now, nagko-communicate kami. We really became good friends,” sabi ni Erich.

Bale ba, sa Thailand pala ay 12 hours lang ang shooting at sanay si Mario sa ganu’n. Pero rito raw kahit lampas na ng 12 hrs ang shooting ay okay lang daw sa young actor.

May isa raw nakakatuwang nangyari during the shooting at first day pa man din. Ang eksena ay sasampalin ni Erich si Mario at sa kultura pala ng Thailand ay masyadong big deal ang sampal at hindi raw ginagawa sa country nila ’yun.

Nang nagro-roll na ang camera ay nagulat raw ang team ni Mario dahil tinotoo talaga ni Erich ang eksena at sinampal talaga ang aktor.

Pero kaagad naman daw humingi ng dispensa si Direk Rory at naintindihan naman daw ng mga ito.

Sa personal naman nilang buhay, hanga rin si Erich kay Mario dahil kahit sikat raw ito ay hindi nito itinatago sa publiko ang girlfriend.

“Kasi, rito, parang hangga’t maaari itatago mo para yung mga ano, gustuhin ka pa, yung mga fans hindi magre-react. Pero siya, talagang ang hinahangaan ko sa kanya ay very open siya.

“Nakita ko talaga kung paano niya alagaan ang girlfriend niya. Sobrang ina-admire ko ang relationship nila. Nine years na sila. So, imagine, nakaka-admire talaga,” sabi ni Erich.

Natanong ang young actress kung siya rin ba ay hindi na niya itatago ang boyfriend at say niya, never naman daw siyang nag-deny.

“Never naman po akong nag-deny kapag tinatanong naman po ako sa mga past interviews ko. Nagsabi naman po ako that I’m dating a non-showbiz guy. Over a year na. Mas maganda kung quiet lang, hindi magulo,” pahayag ni Erich.

Kinunan sa Thailand at Pilipinas ang Suddenly It’s Magic. Rito sa atin ay nag-shoot sila sa Ilocos at sa bansa naman ni Mario ay nag-shoot sila sa iba’t ibang magagandang lugar roon.

***

Sid Lucero maraming dalang kunsimisyon sa taping, tsinugi sa teleserye
 
DAMI na ng blind items na lumabas tungkol sa isang magaling na actor na tsinugi sa kasalukuyang teleserye na siya sana ang bida. According to the blind items, sa sobrang kunsumisyong dulot ng actor sa staff, ayun, tinanggal at ‘pinatay’ na lang ang role sa naturang soap.

Sabi pa, lagi raw inaantok ang actor at maraming beses na raw siyang nagdulot ng problema sa taping.

Misnan raw sa simbahan sila nag-shooting, nakatulog si actor sa isang upuan at ayaw gumising, nagalit pa nang mapilit na magtrabaho na.

Well, walang iba, sigurado na, si Sid Lucero ang tinutukoy na problemang actor at sa teleseryeng Hindi Ka Na Mag-iisa siya tinanggal. Dapat siya ang leading man ni Jennylyn Mercado pero ayun nga, dami raw niyang dulot na problema sa set, tsinugi na lang siya.

Nauna dito, run sa isa pang teleserye, nagbigay rin daw si Sid ng katakut-takot na problema. Sa isang episode, nakatulog daw ito at hindi nila magising. Umabot pa sa puntong kailangang ipatawag ang nanay niyang si Bing Pimentel, pero wala, naging problema pa rin.

O well, kung true na si Sid nga, sayang naman ang actor na ito, magaling siya, na sana kung gusto niyang magtagal sa limelight, ayusin niya’ng mga problema niya.

Ano ba yun, sa drugs kaya?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply