Estancia Ilo-ilo public market, tinupok ng apoy

TINUPOK ng apoy ang buong  public market ng bayan ng Estancia, Ilo-ilo matapos masunog ang pamilihan kagabi.

Batay sa pagsisiyasat ng pamatay sunog, nagsimula ang sunog bago mag-alas 8 kagabi at mabilis na naglagablab at kumalat ang apoy bago nilamon ang buong palengke ng naturang bayan.

Mabilis namang nagresponde ang mga bombero sa kalapit na mga bayan na tumagal ang sunog ng mahigit na dalawang oras bago naapula.

Base sa pahayag ng ilang mamamayan, nagmula ang apoy sa isang beauty parlor.

Gayunpaman, patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy  at magkano ang kabuuang na damage ng sunog.

Napag-alaman na ito na ang ikatlong beses na nasunog ang public market ng bayan ng Estancia at ito ang itinuturing pinakamalalang sunog na naganap sa naturang bayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply