Estudyante kinuyog ng 5 snatcher sa QC

INAGAWAN na ng cellphone, binugbog pa ng limang holdaper ang isang college student sa Quezon City Huwebes ng gabi (Oktubre 11).

Basag ang labi, at bukol sa mukha at ulo ang inabot ng biktimang si John Gaviola, 18-anyos sa kamay ng mga snatcher.

Isa lamang sa mga suspek na nakilalang si Aljur Alihis, 21-anyos ang nadakip at ngayon ay naghihimas na ng rehas na bakal sa Quezon City Police District (QCPD) station 3.

Nakatakas naman ang mga kasamahan ni Alihis at ngayon ay pinaghahanap pa ng pulisya para panagutin sa krimen.

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 Huwebes ng gabi sa kanto ng Congressional at sa Cagayan St., Project 8.

Ayon kay Gaviola, bago ang insidente ay nakasakay siya sa isang City bus na may plakang UVC-442 at hawak niya ang kanyang cellphone.

Maya-maya lamang, biglang inagaw ng isang pasaherong nasa estribo ang kanyang cellphone kaya hinabol niya ito at naabutan.

Lingid sa biktima, may kasabwat pala ang naturang snatcher kaya bugbog sarado ang inabot niya.

Hindi na rin nabawi ang cellphone ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply