Estudyante timbog sa boga, kalaboso

KALABOSO ang isang estudyante makaraang matutop ng isang pulis sa pag-iingat ng baril sa loob ng Camp Fermin Lira sa lungsod ng General Santos.

Ang suspek ay kinilalang si Alvin Torejos,18-anyos, residente ng Barangay Maligaya, Bayan ng Tampakan, lalawigan ng South Cotabato at pansamantalang naninirahan sa loob ng Camp Lira, barangay Dadiangas
West.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng alitan ang suspek at ang isang Christian Domingo habang nasa loob ng kampo kaya umuwi ang suspek sa kanyang tinutuluyang boarding house at nang pagbalik nito may bitbit nang isang homemade na shotgun o “sumpak”.

Nakita ang bitbit na baril ng estudyante kaya agad itong dinakma ni PO3 Pastolero at dinala kaagad sa tanggapan ng pulisya na natuklasang walang papeles ang nasabing armas na may kasama pang bala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply