Ex-Col Kapunan pinalilipat sa Rizal prov’l jail

INIUTOS na ng Antipolo City Regional Trial Court Branch 98 na ilipat ng bilangguan si Dating Air Force Colonel Eduardo “Red” Kapunan, pangunahing suspek sa pagpatay sa labor leader na si Ka Rolando Olalia at sa driver nitong si Leonor Alay-ay.

Sa 4-pahinang kautusan ng hukuman, iniutos na mailipat si Kapunan sa Rizal Provincial Jail.

Dalawampu’t apat na oras lamang ang ibinigay na panahon ng korte sa mga awtoridad para mailipat ng kulungan si Olalia na nauna nang inilagay sa kustodiya ng Philippine Army makaraan siyang sumuko sa mga awtoridad.

Sinabi naman ni Atty. Edre Olalia, abugado ng  mga biktima, na tama lamang ang naging desisyon ng hukuman.

Tinukoy pa ni Olalia na dalawang dating sundalo na miyembro ng Reform the Armed Forces Movement o RAM ang nakahandang tumestigo laban sa kanya.

Matatandaan na noong November 12, 1986, dinukot, pinahirapan at pinatay ng mga hinihinalang elemento ng AFP ang dalawang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply