Ex-Isabela Gov. Padaca nakapagpiyansa na

HINUGOT sa personal fund ni Pangulong Benigno Aquino III ang P70,000 na piyansa ni Comelec Commissioner Grace Padaca na nahaharap sa mga kasong malversation of public funds at paglabag sa kasong graft and corruption.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na napilitan si Padaca na tanggapin ang alok ng Pangulong Aquino na sagutin nito ang kanyang piyansa lalo pa’t isa na itong opisyal ng Comelec.

Si Padaca ay nagpiyansa ng P40,000 para sa kasong malversation of public funds at P30,000 para sa kasong graft and corruption na isinampa sa kanya kaugnay sa umano’y maanomalyang proyekto na hindi dumaan sa tamang bidding process.

Ayon kay Sec. Lacierda, hindi papayag ang Pangulong Aquino na sa loob ng kulungan nagse-serbisyo si Padaca bilang Comelec Commissioner.

Nauna nang sinabi ni Padaca na hindi sana siya magpipiyansa sa kasong graft and corruption bilang simbolo ng protesta at habang nakabinbin pa ang kanyang apela sa Korte Suprema.

Ngunit, sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong commissioner ay handa siyang magpiyansa upang magampanan ang kanyang tungkulin sa Comelec.

Napag-alaman na noong nakaraang Mayo 2012 pa naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Padaca subalit ibinalik ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa korte noong Hunyo dahil hindi umano makita si Padaca sa address na nakasaad dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply