Ex-MNLF commander kalaban ni Mangudadatu sa gubernatorial race

NAGHAIN na ng Certificate of Candidacy (CoC) ang kasalukuyang alkalde ng Sultan Kudarat upang kalabanin si Governador Toto Mangudadatu bilang punong lalawigan sa Maguindanao.

Natuklasan sa proclamation rally ng Liberal party led coalition sa Nacionalista Party (NP) at Nationalist Peoples’ Coalition sa Club Filipino nitong Lunes na kakalabanin ni Sultan Kudarat Mayor Tucao Mastura si Mangudadatu sa gubernatorial race sa 2013 local elections.

“The former campaign manager of Maguindanao Governor Toto Mangudadatu who then challenged the Ampatuan reign, is challenging him in the gubernatorial post in the province of Maguindanao,” ayon sa source mula sa Maguindanao na kasapi ng Liberal Party na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Sa ngayon, incumbent mayor si Mastura ng Sultan Kudarat, na tatakbong gobernador sa 2013 local elections sa ilalim ng PDP-Laban banner, ayon sa source.

Ayon kay Mastura na tatakbo siya upang hamunin si Mangudadatu bilang kasalukuyang gobernador ng Maguindanao matapos mabigong isabuhay ang good governance at daang matuwid sa lalawigan, isang pangako na ginawa matapos mapatalsik ang pamilya Ampatuan.

Noong 1970s, nagsilbi si Mastura bilang MNLF commander saka lumahok sa gobyerno noong 1976 bilang mayor ng Sultan Kudarat.

Si Mastura ay bunga ng kilalang Sultanate of Maguindanao. Kapatid niya ang kilalang historian at dating Maguindanao Congressman, at ngayon senior MILF peace panel member Michael Mastura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply