Ex-MNLF member timbog sa kasong frustrated murder

NAARESTO ng awtoridad ang isang dating kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) kaugnay sa kasong frustrated murder.

Ang suspek ay inaresto ng mga elemento ng CIDG ARMM sa bahagi ng SPDA Village, Broce sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si Sumalindao Macadatu na may kasong frustrated murder na ipinalabas ng RTC 12 sa lungsod ng Cotabato.

Bukod sa kasong kinakaharap ni Macadatu, nadagdagan pa ito matapos mahulihan ng granada at iba’t ibang uri ng armas sa kanyang tahanan.

Nasa kustodiya ngayon ng CIDG ang suspek na nahaharap din sa panibagong kaso ng illegal possession of firearms and explosives.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply