Ex-NBI director Gatdula, hahatulan na ng DOJ

NAKATAKDA nang hatulan ng Department of Justice ng kasong kidnapping with extortion si dating NBI director Magtanggol Gatdula.

Ito ay matapos na ideklara ng panel of prosecutors na tinatapos na nila ang preliminary investigation sa usapin.

Lumantad naman sa huling araw ng pagdinig ang dating NBI director at naghain ng kanyang rejoinder affidavit.

Ayon sa legal counsel ni Gatdula na si Atty. Abraham Espejo, sinabi nito na naghain sila ng mosyon upang matanggal na sa record ang affidavit ng star witness sa kaso na si dating NBI officer Jose Cabillan.

Kinumpirma naman ni State Prosecutor Juan Pedro Navera, head ng panel, na hanggang ngayon ay hindi humaharap si Cabillan sa panel at hindi pa rin napapanumpaan ang kanyang alegasyon.

Dahil dito, tiwala si Espejo na mas humina ang kaso laban kay Gatdula at umaasa silang makakakuha ng pabor na desisyon mula sa panel.

Apat na affidavit ng kanilang mga testigo rin, aniya, ang kanilang isinumite na magpapasinungaling sa testimonya ni Noriyo Ohara na siya ay kinidnap at kinikilan.

Nakasaad, aniya, sa mga nasabing salaysay na nang magtungo si Ohara sa opisina ni Gatdula noon ay may kasama pa siyang Japanese police na kinilalang si Hiruta.

Nang lumabas naman, aniya, sa opisina ni Gatdula si Noriyo at Hiruta ay pawang nakangiti pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply