Ex-ninjas ng Maynila mahuhusay pero…

WALANG kaduda-dudang magagaling ang mga dating Ninja ng Maynila na matapos matalaga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) bilang mga operatiba ng Regional Police Intelligence and Operation Unit (RPIOU) ay tinangay ni  Chief Supt. Miguel Laurel patungong Eastern Police District (EPD) kung saan ang huli ang district director.

Kaya tinawag na ninja ang mga pulis na ito ay dahil sa husay nila sa pagtatrabaho lalo na sa kaso ng droga kung saan kaya nilang amuyin kahit saang lupalop pa ito ng Kamaynilaan naroroon.

Ang pinakahuling pagpapasikat ng mga ninjang ito na pinumunuan ni Insp. Vergilio Santiago at SPO3 Alberto Evia ay ang pagkakaaresto sa dalawang Chinese at mag-asawa sa isang buy-bust operation sa San Juan City noong nakaraang linggo (October 18) kung saan umabot sa P10 milyon ang halaga ng droga na nakumpiska.

Sa follow-up operation naman, kasama ng mga ninjang ito ang mga tauhan ng National Capital Region Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (NCRPO-AID-SOTF) at Caloocan City Police, ay nakumpiska ang may P50 milyon halaga ng bawal na droga at ilan pang kemikal sa isang paupahang apartment sa nasabing lungsod.

Karapat-dapat lang naman talagang bigyang-parangal ang grupo ng Ninja na talagang dinala ni Gen. Laurel mula sa Maynila patungo sa NCRPO hanggang EPD upang magtrabaho lalong-lalo na sa kampanya laban sa droga.

Pero ang hindi maganda sa kanila ay ang pangha-harass ni SPO3 Elmer Corber at isang kasamang ninja sa isang punerarya sa Quezon City kung saan sapilitan nitong kinuha ang bangkay ng kanyang tauhan mula sa morgue.

Nakasukbit ang mga baril sa kanilang tagiliran, kapwa tinakot nina Corbe ang mga tauhan ng punerarya at walang pakundangang tinangay ang bangkay ng kanyang tauhan sa kanyang negosyo at isinakay sa van ng San Rafael Funeral na pag-aari rin ng isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Kung hindi isang pulis si Corbe, ano kaya ang mararamdaman niya kung walanghiyain din ang kanyang negosyo sa Cubao, Quezon City ng mga pulis?

O kaya kahit pangkaraniwang tao lang ang manloko sa kanya?

Paano kung i-harass din ang kanyang anak na babae na nakatutulong na rin niya sa paghahanapbuhay? Hindi kaya siya magwala sa galit?

Ganyan-ganyan kasi ang naramdaman ng may-ari ng negosyo na kanilang tinarantado.

Ang lalong nakakangitngit ay nang ipa-casing niya o papuntahan sa ilang pulis gamit ang sasakyan ng EPD ang negosyo ng taong winalanghiya nila.

Kayo pa ang may ganang manakot! Grabe namang kawalanghiyaan iyan SPO3 Corbe.

Dapat mabatid ni Gen. Laurel at NCPRO director Chief Supt. Leonardo Espina ang kawalanghiyaan mo sa negosyanteng katulad mo ay namumuhunan din ng pera at hindi laway.

Noong Sabado ng gabi, grabe ang traffic sa Quirino Highway sa Barangay Baesa, Quezon City. Halos buhol-buhol ang mga sasakyang palabas patungong Maynila at papasok papuntang Novaliches.

Walang traffic enforcer sa lugar at absent din yata ang mga pulis na itinalaga sa barangay kaya walang magmando ng trapiko. Abaý natutulog siguro sa pansitan ang hepe ng traffic sector 6 na nakasasakop sa lugar.

Belated Happy Birthday to MPD Deputy Director for Operations Sr. Supt. Ronaldo Estilles who celebrated yesterday.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply