Ex-parak naaktuhang nangongotong, arestado

SWAK sa kulungan ang isang dating pulis matapos itong maaktuhan na kinikikilalan ang mga vendor sa Monumento , Caloocan City, kagabi (October 11).

Kinilala ni Chief Supt. Antonio Decano director ng Northern Police District (NPDO) ang suspek na si P01 Herminio Frias y Gelmore, 34, may-asawa, dating nakatalaga sa Malabon Police at residente ng Salas St.,12th Avenue Caloocan City.

Ayon sa ulat ni Supt. Reynadande Ariza, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), ganap na alas-11: 00 ng gabi ng maaktuhan ang illegal na pangongotong ng suspek sa Bonifacio Market sa nasabing lungsod.

Nauna rito nakatangap ng tawag ang tanggapan ng Northern Police District mula sa mga vendor na isang nakasibilyang pulis ang nagongotong sa mga vendor sa Monumento Circle.

Agad na tumalima ang mga awtoridad sa panagunguna ni Supt. Ariza ng DSOU at naaktuhan ang nasabing iligal na gawain ng suspek.

Ayon kay General Decano si P01 Herminio Frias, tinanggal sa serbisyo ang suspek noong pang Setyembre 18, 2012 matapos ireklamo ng pangongotong sa mga vendor at iba pang gawain.

Sa reklamo, nabatid na kapag hindi nagbibigay ang kinikikilan ay nagagalit ang suspek at itinataob ang mga paninda.

Sasampahan ang suspek ng kasong usurpation of authority dahil sa pagpapanggap na pulis nito.

Kinumpiska rin ng pulisya ang 9mm pistol na baril nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply