Ex-PBA star Paul Alvarez, isinuko ang sarili sa PDEA para magpa-rehab

NILINAW kanina (Otubre 18) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi nila inaresto si dating Philippine Basketball Association (PBA) star Paul “Bong” Alvarez bagkus ay kusa itong lumapit sa kanila para ipa-rehabilitate ang sarili dahil sa pagkalulong sa droga

Ayon sa PDEA, tatagal ng anim na buwan sa isang drug rehabilitation center ang dating PBA star para makarekober sa pagkalulong sa droga.

Kung maalala, inireklamo noon si Alvarez sa pambubugbog ng isang taxi driver at pananapak ng isang television lady reporter.

Taong 1989 nang makuhang maglaro sa Alaska Milkmen si Alvarez na dating player ng San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) na ang kasabayan nito ay sina Benjie Paras, Nelson Asaytono, Elmer Cabahug, Bobby Jose, Ric-Ric Marata at Dindo Pumaren.

Binansagan din itong “Mr. Excitement” dahil sa ibang klase ng galing sa paglalaro ng basketball at ang kanyang high flying dunk.

Sumali rin ito sa PBA slam dunk competition noong dekada 90 na ang kanyang ipinamalas na pagsalaksak sa basketball ring ay ang double dunk ball o may hawak itong dalawang bola sa magkabilang kamay at magkasunod na isinalaksak ang bola sa ring.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply