Ex-PGMA isinugod sa ICU ng Veterans

IPINASOK na sa Intensive Care Unit (ICU) ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang dating Pangulo at ngayon ay kinatawan ng Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Sa pinakahuling medical bulletin, kinumpirma ni VMMC Director Nona Legaspi na mayroong Coronary Ischemia ang dating Pangulong Arroyo na isang uri ng sakit sa puso kung saan may bara ang ugat ng daluyan ng dugo patungo sa puso.

Ipinaliwanag na kailangang imonitor ng 24/7 ang kalagayan ni CGMA kung kaya ipinasok na ito sa ICU.

Sinabi pa ni Legazpi na bagamat maaari namang magamot ang nakitang sakit ni Arroyo kailangan pa ring bantayan ng mga manggagamot upang maiwasan ang atake sa puso.

Noong nakaraang Pebrero pa aniya isinailalim sa Electro Cardiogram o ECG ang dating Pangulo subalit ngayon lamang nakita ang barado sa coronary artery nito .

Delikado aniya ang kalagayan ni CGMA na bagamat din naman nangangailangan ng surgery ay nakatakda naman itong sumailalim sa ilang medical examinations.

Sa ngayon, nakararanas aniya ng chest pain ang dating pangulo at di basta-basta maaaring lumabas muna ng pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply