Facebook users, pinag-iingat sa HIV

PINAG-IIINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko sa paggamit ng Facebook at sa iba pang dating websites dahil kadalasang nakukuha umano dito ang multiple sex partners.

Sa ginawang pag-aaral ng kagawaran, na mula sa mahigit 100 respondents ay nasa 40 ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) kung saan sa social networking site na Facebook nakilala ang kanilang partner.

Ayon sa DOH, kadalasang nakakakuha ang publiko ng kakilala, kaibigan at sexual partners sa pamamagitan umano ng FB.

Pinayuhan naman ng DOH ang mga FB users na kilalaning mabuti ang kanilang kakaibiganin at makakapareha .

Sakali naman umanong may multiple sex partners ay dapat lamang na magpasuri o magpa-HIV test kada anim na buwan.

Nabatid na may 10,000 kaso ng HIV na sa buong Pilipinas mula noong 1984.

Mahigit na 300 indibiduwal naman ang namamatay sa naturang sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply