Failure of bidding sa P300-M traffic signal system, inalmahan

UMALMA ang ilang kumpanya sa pagdedeklara ng failure of bidding ni MMDA chairman Francis Tolentino sa isinagawang public bidding para sa P300 milyong traffic signal system sa Metro Manila.

Minaliit naman ni Tolentino ang kasong sibil na isinampa laban sa kanya at sa mga miyembro ng MMDA bids and awards committee ng mga kumpanya na sumali sa bidding ng traffic signal system na nagkakahalaga ng P300M.

Ayon kay Tolentino, dismayado lamang umano ang kumpanyang nagsampa ng kaso dahil sa resulta ng bidding na hindi pumabor sa kanila.

Ang kumpanyang nagsampa ng kaso ay ang Abratique and Associates at First United Constructors Corp. na nagsabing umabuso (grave abuse of discretion) ang mga opisyal ng MMDA,sa kanilang inihaing kaso sa Makati Regional Trial Court.

Naglaban sa bidding ang Abratique, First United, at Cube Consortium na joint venture ng Dreamworks Construction Inc. Cube Information Systems at South Korean Y and H E and C Co. Ltd. para sa traffic signal system sa Metro Manila, kung saan nagdeklara ang MMDA ng failure of bidding.

Umalma naman ang Abratique at sa reklamo nito noong Oktubre 9, iginiit nito na sa ilalim ng procurement law, walang kapangyarihan ang pinuno ng MMDA na si Tolentino na magdeklara ng failure of bidding.

Kinuwestyon din nito ang MMDA bid panel sa pagpayag na makasali sa bidding ang mga dayuhang contractors na diumano ay walang lisensya mula sa Phil. Contractors Accreditation Board na isa sa mga kuwalipikasyon ng mga sasali sa mga pampublikong bidding.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply