Fare hike sa LRT, MRT inalmahan ng mga mananakay

INALMAHAN ng mga mananakay ang napipintong pagtaas ng P10 pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ang pagtaas ng pasahe ay mariing inalmahan ng comuters lalo na ang mga estudyante na nagsabing isang pasakit para sa kanilang magulang ang dagdag sa kanilang ibinabaon sa paaralan.

Ayon naman kay Transportation and Communications Secretary Joseph Abaya, ang fare increase sa MRT at LRT ay hinggil sa inaprubahang 2013 budget.

Ayon kay Abaya, mula sa P45 na government subsidy sa MRT, P35 na lamang ang maibibigay ng gobyerno sa bawat bibiyahe ng Taft Avenue hanggang North Avenue.

Ipinaliwanag pa nito na sa MRT-3 ang cost ng operation para itawid ang pasahero mula puno’t dulo ng istasyon ay P60. Ang presyo ngayon ng end to end ay P15 kaya tinatayang ang subsidy ng pamahalaan from end to end ay P45. Dadagdagan ng P10 ang P15 kaya magiging P25, at ang kabuuan ay P35 ang subsidy per passenger.

Ayon kay Abaya, wala pa umano silang katiyakan kung kailan maipatutupad ang fare increase sa MRT at LRT

Gayunman, iginiit ni Abaya na kahit maipatupad ang fare hike ay mas mura pa rin ang pasahe sa MRT at LRT kumpara sa mga bus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply