Fare hike sa MRT, LRT kinatigan ng Malakanyang

PABOR ang Malacañang na taasan ang singil sa pagsakay sa MRT at LRT

Sinabi ng Palasyo na sa kabila ng mariing pagkontra ng ilang commuters group sa nagbabadyang pagtaas ng singil sa MRT at LRT sa susunod na taon ng P10.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, masyadong malaki ang iginugugol ng gobyerno sa MRT at LRT bilang subsidy

Ngunit hindi pa rin umano pinal kung gaano kataas ang ipapataw na fare increase at kung kailan ito mangyayari dahil patuloy pa rin itong pinag-uusapan sa Department of Transportation ang Communications (DOTC).

Matatandaang tiniyak naman ni Transportation Secretary Jun Abaya na magiging maganda ang serbisyo sa MRT at LRT kung magtataas ang singil sa pasahe nito.

Nabatid na noong nakaraang taon pa sana ito naipatupad pero hindi ito natuloy dahil sa iba’t ibang ligal na isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply