Stude na nanaksak sa UST stude sinuspinde ng FEU

SINUSPINDE na ng pamunuan ng Far Eastern University (FEU) ang nursing student na umano’y nanaksak sa UST student sa loob mismo ng kanilang campus sa Morayta, Sampaloc, Maynila, nitong Oktubre 2.

Sinabi ni Albert Cabasada III, director for admissions and external relations ng FEU sa isang kalatas na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan sa loob ng kanilang mga campus.

Ayon pa kay Cabasada, agad nilang sususpindehin ang sinomang mag-aaral na masasangkot sa anumang uri ng karahasan .

“Any student who is deemed part of any act of violence, such as the one committed last week, will immediately be placed under preventive suspension,” aniya pa.

Sa sandali aniyang mapatunayang guilty ang mga sangkot sa pananaksak sa UST student ay kanila umanong agad na patatalsikin sa unibersidad

“They will be expelled from the university once their involvement has been firmly established and proven. We do not and will not protect any student involved in such reprehensible acts,” ayon pa kay Cabasada.

Ani Cabasada, layon umano ng kalatas na itama ang mga ulat na hindi umaksyon ang FEU sa insidente at hindi rin nagbigay ng tulong sa complainant.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Cabasada sa mga mag-aaral at magulang na magpapatupad ang unibersidad ng mas mahigpit na seguridad sa campus upang maiwasan ang kahalintulad na insidnete ng pananaksak at iba pang karahasan.

Ang pahayag ng FEU ay ipinalabas matapos na sampahan ng kasong frustrated murder ng pulisya ang anim na estudyante nito na umano’y sumaksak kay Joanne Lourdes Reyes, na IT student ng UST.

Tiniyak naman ng FEU na patuloy silang makikipagtulungan sa pulisya at lokal na pamahalaan upang mabigyan ng hustisya si Reyes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply