Filing ng CoC para sa POC elections hanggang bukas na lang

BUKAS na ang deadline ng pagpa -file ng certificate of candidacy para sa Philippine Olympic Committee, (POC) elections na gaganapin sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club sa Muntinlupa.

Maugong pa rin ang pangalan ni incumbent president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. para sa kanyang ikatlong termino matapos ihayag ni Manny V. Pangilinan na hindi na siya tatakbong presidente sa POC elections.

Dahil sa pag-atras ni MVP ay alam nitong maraming malulungkot sa kanyang naging desisyon kaya naman humingi ito ng paumanhin sa mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.

Ilang mga lider ng iba’t-ibang national sports associations ang nagpakita ng suporta kay MVP ng magkaroon ng fellowship night sa Meralco sa Pasig noong Lunes.

Ganunpaman, kahit umatras sa laban si Pangilinan, sinabi nitong ipagpapatuloy pa rin niya ang pagsuporta at pagtulong sa mga Pilipinong atleta pati na rin ang kanyang MVP Sports Foundation magtutuloy-tuloy pa rin.

Ang ibang kandidato para sa nasabing mataas na posisyon ay sina POC first vice president Manny Lopez at kaalyado ni MVP sa Asosasyon ng mga Boksingerong Amatyur sa Pilipinas na si president Ricky Vargas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply