Filipino Flash vs Japanese Superstar

NALALAPIT na ang araw kung saan ay itataya na ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Fil­ipino Flash’ Donaire, Jr. ang kanyang hawak na WBO at IBF belts.

Sa darating na Linggo, (Oktubre 14, Manila time) ay makikipag-upakan ang tubong Talibon, Bohol at 29-anyos na si Donaire kay Japanese superstar Toshiaki ‘Speed King’ Nishioka para pag-agawan ang WBC Diamond super bantamweight crown at ang Ring Magazine belt.

Magbabasagan ng mukha sina Donaire (29-2-0, 18 KOs) at 36-anyos Nishioka (39-4-3, 23 KOs) sa Home Depot Center sa California, USA.

Ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, mas lalong sisikat sa buong mundo si Donaire kapag nanalo siya laban sa Japanese pug.

May 16-fight winning streak si Nishioka sa loob ng walong taon.

Samantala, taong 2011 ng masungkit ni Donaire ang WBO at WBC bantamweight titles matapos pabagsakin si former Mexican world champion Fernando Montiel sa second round.

Sa huling tatlong laban ni Donaire ay nanalo siya laban kina Omar Narvaez, Wilfredo Vazquez, Jr. at Jeffrey Mathebula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply