First Marikina Motorcycle Congress 2012 lalarga na

INAANYAYAHAN  ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman kasama ang Motorcycle Philippines Federation, at Marikina Motorcycle Federation ang lahat na makiisa sa isasagawang First Marikina Motorcycle Congress 2012 na isasagawa sa ika-27 hanggang ika-28 ng Oktubre mula ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon sa Plaza Delos Alcades (tapat ng Marikina City Hall).

Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga residente lalo na ang mga nagmamaneho ng motorsiklo hinggil sa wastong paraan ng pagsakay dito at mga bagay na dapat tandaan habang nagmamaneho sa kalsada.

Ilan sa mga ituturo sa unang araw ng seminar ay ang tamang posture o tindig habang nasakay ng motorsiklo at safety riding gears o mga proteksyon sa katawan. Sa ikalawang araw ay magkakaroon naman ng actual riding practice kung saan ipapakita nang aktuwal sa mga dadalo ang tamang pagsakay sa motorsiklo, at mga paraan upang makaiwas sa mas matinding pinsala dulot ng hindi inaasahang aksidente o sakaling mawalan ng balanse at matumba.

Ang pag-aaral ay bukas para sa lahat ng nais matuto. Kailangan lamang na magpatala sa mismong araw ng seminar.

Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry, magkakaroon din ng libreng ICC Helmet stickering sa nasabing mga araw. Bukod pa rito, ang isang patimpalak sa Motorcycle Show ang magaganap.

“Inaasahan natin na sa pamamagitan ng mga aktibidad na katulad nito ay maraming motorista ang magkakaroon ng dagdag na kaalaman, magiging mas maingat sa pagmamaneho, at magiging ligtas sa kalsada,” wika ni Mayor Del De Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply