Fishing ban sa tamban ipatutupad sa Zamboanga, Visayas

MULING ipatutupad ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong buwang fishing ban sa mga tamban sa Zamboanga at Visayas.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na ito ay sisimulan sa Nobyembre 15 hanggang Pebrero 15, 2013.

Sakop ng fishing ban ang mga karagatan sa Zamboanga at Visayas.

Ipinaliwanag naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dir. Asis Perez na malaki ang tulong ng fishing ban para mabigyan ng pagkakataon ang mga tamban na magparami.

Mananatili ang paghihigpit sa panghuhuli ng isdang tamban hanggang Pebrero upang bigyan daan ang pangingitlog nito.

Ang tamban ang pangunahing sangkap sa paggawa ng sardinas.

Dahil dito, inaasahan na ang ilang manufacturer ng sardinas ang magpapatupad na ng increase sa kanilang produkto at inaaasahang susunod na rin ang iba pang kompanya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply