Fly by-night conversion facilities, sanhi ng pagkakasakit ng auto-LPG drivers

NANAWAGAN ang Department of Health (DoH) sa mga kinauukulang ahensya na i-monitor ang mga hindi accredited na LPG conversion facilities na nagiging dahilan ng matinding air polllution.

Sa susunod na linggo ay nakatakdang makipagpulong ang DOH sa mga taxi
operators upang mailatag ang naturang hinaing.

Kaugnay nito handa naman tumulong ang DoH para masolusyunan ang pagkakasakit ng mga taxi drivers na gumagamit ng auto-LPG.

Ito ang inihayag ni DOH-NCR Dir. Dr. Eduardo Janairo, kasunod ng resulta ng ginawa nilang pag-aaral hinggil sa mga taxi na parokyano ng auto LPG conversion.

Ayon kay Janairo, wala namang dapat pag-awayan tungkol dito, dahil nais lang nilang maipabatid sa publiko ang masamang epekto ng auto-LPG na una nang inireklamo ng mga mananakay at driver ng taxi na gumagamit nito.

Ang mahalaga ay agad nalaman ang naturang problema at handa ang DOH na
umalalay upang hindi na dumami ang maaapektuhan.

Sa kabila nito, umaasa ang LPGMA Party-list group na mananatili pa rin sila sa kongreso bilang kinatawan ng mga tindero ng LPG at mga consumer nito.

Ito ang pahayag ni LPGMA Rep. Arnel Ty, matapos malaglag sa listahan ng Comelec ang 20 partylist group na tatakbo sana sa 2013 Midterm Elections.

Kaugnay nito, kumpiyansa ang mambabatas na tunay nilang nire-represent ang marginalized sector sa lipunan, base na rin sa kanilang mga proyektong ginagawa na buong bansa naman ang nakikinabang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply