Flying V nagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo

MATAPOS magpatupad ng tapyas presyo ang halos lahat ng mha kompanya ng langis sa bansa, nagpatupad na rin ng panibagong pagbawas ng kanilang presyo ng mga produktong petrolyo ang kompanyang Flying V kaninang hatinggabi.

Dakong alas-12:01 kaninang hatinggabi nagpatupad ng bawas presyo ang naturang kompanya kung saan nagbawas sila ng P1.50 kada litro ng presyo ng Rush, Thunder, Avgas at Leadfree habang P1.00 naman kada litro ng Biodisel.

Habang wala namang magiging paggalaw sa presyo ng kanilang regular gasoline at kerosene.

Nauna nang nagtapyas ng kanilang mga produktong petrolyo noong Oktubre 22 ang halos lahat nang kumpanya ng langis na P0.90 sentimos kada litro ng unleaded gasoline, P0.25 kada litro naman ng kerosene P0.35 sa diesel at P0.40 sentimos naman kada litro ng regular gasoline.

Base sa pahayag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply