FOI Bill ilalaban ng patayan ni Tañada

AAKUIN ni Deputy Speaker Erin Tanada ang pag-sponsor ng kontrobersyal na Freedom of Information Bill sa plenary.

Ito ang may pagtatampong pahayag ni Tanada matapos ang diumano’y lantaran na pag-iwas ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Information, na talakayin sa komite ang FOI na ang idinadahilan nito ay ang kawalan lamang ng conference room na pagdadausan.

“Hindi ko nga maintindihan eh. Is he afraid to defend the bill? Kung kinakabahan siya (Evardone), pagdating sa floor, the chair need not defend the bill. I’m willing to defend it.Just to be fair, lalaban tayo ng patayan dito, pero to be fair to Antonino (Isabela Rep. Rodolfo Antonino), yong proposal nya, we will put it on the table. Then we will divide the house,” paliwanag ni Tanada.

Si Antonino ay nagsulong na isingit ang Right of Reply (ROR) sa FOI bill.

Kasabay nito ay binigyang diin ni Tanada na hindi maaaring ikatuwiran ni Evardone na naghihintay pa siya ng signal mula sa Malakanyang kung kaya patuloy na naaantala ang pagdinig sa FOI.

“Kung ganyang ang pananaw ni Ben Evardone dapat wala ng Kongreso. We are independent. We craft laws based on the wisdom of the House and the Senate. If we will always defer to Makakanyang, pwede nating sabihin na yong esensya ng independent branch ay nawawala.”

Ang pagdinig sa FOI ay nakatakda sa November 13 na siyang dahilan kung bakit unang sinabi ni Tanada na nasa ICU na ang panukala dahil kapos na sa panahon ang Kongreso.

Subalit kung ipagpapaliban pa rin ang November 13, sinabi ni Tanada na siya mismo ang magpe-preside ng hearing batay na rin sa kautusan ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.

Kung hindi sisipot sa pagdinig si Evardone ay pangalawang pagkakataon na ito na kaniyang nilabag ang utos ni Belmonte.

Ani Tanada, nagtakda ang komite ng pagdinig noong October 15 subalit ipinakansela umano ito ni Evardone.

“May sinabi si Speaker sa akin, since pinagbigyan mo ako, kung hindi pumasok si Ben at iurong ang November 13, I will authorize you to conduct the hearing. Kung hindi sisipot si Ben, second defiance kay Speaker yon.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply