FOI bill wala ng lusot – Tañada

HINDI na maaaring lusutan pa ni House committee on public information chairman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang patuloy na pagdadahilan para hindi maipasa ang Freedom of Information Bill.

Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon Rep. Erin Tanada, patuloy siyang umaasa na maipapasa ang panukala hanggang sa buwan ng Deciembre.

Palagian kasing idinadahilan umano ni Evardone ang kawalan ng conference room na pagdarausan ng pagdinig.

Giit ni Tanada na nagpa-reserba na siya ng kwarto para sa committee hearing ni Evardone sakaling kailanganin nila ito.

Ang nasabing reservation umano ay para sa Oktubre 16,  dahil inaasahan na niya ang katwiran ni Evardone na susubukan niya kumuha ng mas maagang schedule ng conference room para sa oktubre 23.

Nauna na rin inatasan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Evardone na itakda ang hearing sa pagitan ng linggo ng Oktubre 15 subalit giit ng mambabatas kung hindi umano sila makakakuha ng schedule ay maaaring sa Nobyembre na lamang talakayin ang nasabing panukalang batas.

Tanong ni Tanada bakit siya ay madaling nakakuha ng kwarto samantalang si Evardone ay nagpapakahirap pa subalit hindi pa rin makakuha ng schedule.

Kung ma-delay pa umano ang hearing ng FOI ay halata nang may iba pang rason kayat ayaw itong  talakayin sa komite.

Nilinaw pa ni Tanada na nakausap na niya si Belmonte at tiniyak sa kanya nito na matatalakay sa susunod na linggo ang panukalang batas bagamat sinabi na ni Evardone na posibleng sa Nobyembre na ito matalakay.

Tulad umano ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill umaasa rin ang mambabatas na maipapasa ang FOI Bill bago ang kanilang Christmas break.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply