FOI sa Nobyembre pa matatalakay

HINDI nagpatinag ang liderato ng Kamara sa pagmamadali ni House Deputy Speaker Erin Tanada na agad mapausad sa komite ang Freedom of Information bill.

Sa kabila ng pagsusulong ni Tanada na dinggin na ang kontrobersyal na FOI bill ay nakatakda pa rin itong talakayin sa itinakdang schedule na Nobyembre 13.

Ayon kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte,Jr. ang susundin na schedule para sa pagtalakay sa komite kaugnay sa FOI bill ay ang itinakdang petsa ni House Committee on Public Information Committee Chairman Ben Evardone.

Sinabi pa ni Belmonte na nag-usap na rin sila ni Tanada at nagkasundo na sa Nobyembre na lamang ito talakayin sa komite.

Nauna ng nagpa-reserba ng conference room si Tanada sa kongreso para mapag-usapan na sa Oktubre 16 ang FOI bill upang wala na aniyang maidahilan si Evardone na walang kwarto na gagamitin dahil hindi nakapagpareserba ng maaga.

Umaasa naman si Tanada na bago mag-pasko ay mapagtibay na ang panukala.

Sa Lunes ay nakatakda namang dinggin ang pinal na pagpasa sa 2013 national budget bago muling mag-recess ang Kongreso sa Oktubre 20.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply