Footbridge isasapribado ng MMDA

PLANO ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na isapribado ang mga footbridge sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, matagal nang ginagawa sa ibang bansa ang pagkakaroon ng toll fee sa mga footbridge kaya posibleng ipatupad din nila ito.

Ani Tolentino, mga pribadong kumpanya na ang magpapagawa ng footbridges at sila na rin ang maniningil ng toll fess kaya siguradong magaganda at kumportable ang magiging daanan ng tao.

Gayunman, hindi umano lahat ng footbridges ay isasapribado.

Ang plano umano nila ay ang mga tawiran lamang sa kahabaan ng EDSA, Commonwealth Ave., Taft Ave., at Quezon Ave.

Kasabay nito, plantsado na ang bus stop segregation program na ipatutupad rin sa EDSA upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga pampasaherong bus sa mga bus stop na nagiging dahilan ng pagsikip ng trapiko at mga aksidente.

Sa ilalim ng bus stop segregation program, maglalagay ng letrang A sa mga piling bus stops ang MMDA kung saan maaaring magbaba at magsakay ng pasahero tanging ang mga bus na biyaheng Alabang, letrang B naman sa mga bus na biyaheng Baclaran.

Tukoy na umano ng MMDA ang mga lugar na lalagyan ng bus stop A at B kaya hindi na sila mahihirapan sa pagsasaayos nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply