Footbridge sinuwag ng fire truck, 2 bumbero sugatan

IMBES sa insidente ng sunog, sa isang sakuna nasugatan ang dalawang bumbero nang sumalpok sa Metro Manila Development Authority footbridge ang kanilang sinasakyang trak ng bumbero sa Quezon City kaninang madaling araw.

Inabot naman ng halos kalahating oras bago naalis sa pagkakaipit sa unahang bahagi ng fire truck bago naisugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang bumberong si John Oliver Escogio sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Samantala, nauna nang naitakbo sa parehong ospital ang isa pang bumbero na si Jomar Amorao, kapwa miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) .

Naganap ang insidente dakong ala-una ng madaling araw sa kanto ng Quezon Avenue at Efipanio delos Santos Avenue (EDSA).

Bago ito, paresponde ang dalawang biktima sa isang sunog sa Bayanihan Street sa Barangay West Triangle, Q.C.

Pagsapit sa EDSA, iniwasan ng trak ang nakahambalang na kotse sa kalsada kaya isinampa ni Escogio sa gutter ang kanyang minamanehong fire trak.

Dahil mababangga naman ang isa pang sasakyan, iniwasan din ito Escogio kaya tinumbok nito ang ilalim ng bahagi ng MMDA footbridge na nagresulta kaya nayupi ang unahang bahagi ng fire trak at maipit ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply