Forex student, nadukutan sa QC

NADUKUTAN ng pera ang isang foreign exhange student habang tumatawid sa Metro Manila Development Authority (MMDA) footbridge sa Cubao, Quezon City kaninang umaga.

Bukod sa P5,000 cash ay natangay din sa biktimang si Kyo Techo, 22-anyos, Japanese national at foregin exchange student ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang ilan sa  mahahalagang dokumento tulad ng kanyang pasaporte.

Hinahanting na ngayon ng mga tauhan ng Kamuning Police station 10 upang panagutin sa krimen ang suspect na kilalang istambay at tirador ng mga dumadaan sa nasabing MMDA footbridge.

Sa ulat ng Quezon City Police Destirct station 10, naganap ang insidente dakong alas 9 ng umaga sa MMDA footbridge na nasa Aurora Boulevard-EDSA sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa biktima, dumaan sila ng kanyang mga kaklsase sa naturang footbridge para sumakay sa pampasaherong bus sa tapat ng Farmers Plaza na magdadala sa kanila sa Tagaytay City para samantalahin ang semestral break.

Nadiskubre na lamang ng biktima na nawawala ang kanyang wallet nang may magsabin sa kanya na bukas na ang kanyang bag.

Ayon sa isang saksi, sumabay ang lalaking kilalang tirador sa MMDA footbridge habang ang biktima ay papaakyat pa lamang dito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply