Formula 1 driver Michael Schumacher magreretiro na

MATAPOS bumalik ni seven-time world champion Michael Schumacher at maglaro ng tatlong taon para sa Mercedes GP Petronas racing team sa Formula 1, ipinahayag ni Schumacher na kapag natapos na ang 2012 season, siya ay magreretiro na sa nasabing sport.

Sinabi ni Schumacher na napagdesisyunan na niya na mag-retire sa Formula 1 pagkatapos ng season, kahit pa kaya niyang makipagsabayan at makipagkompetensiya sa magagaling at mas batang Formula 1 drivers sa mundo. Masaya umano si Schumacher sa kaniyang naging desisyon, kaya naman sinusulit niya ang mga natitira pang race at sinisikap na maabot ang tagumpay kahit pa panahon na para magpaalam.

Ito na ang pangalawang retirement ni Schumacher matapos siyang magpaalam noong 2006 mula naman sa Ferrari team kung saan nakuha niya ang lima sa pito niyang tagumpay sa larangan ng F1 sports.

Sinabi rin ni Schumacher na matapos ang kaniyang performance sa mga nakalipas na buwan, hindi niya sigurado kung maibibigay niya pa ang kaniyang 100 percent. Isa rin sa kaniyang ambisyon na hindi lang makapag-drive at makapag-race sa Formula 1, kundi makamit ang inaasam ng lahat na tagumpay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply