Free message applications inalmahan ng Globe

INALMAHAN ng Globe Telecommunications ang free message applications na ginagamit ng kanilang mga subscriber sa Smartphone.

Ayon kay Consumer Telecoms Analyst na si Neha Dharia, nalulugi ang mga Telcos ng higit pa sa kalahati dahil sa nasabing application service.

Sa halip na mag-text ang isang subscriber gamit ang Short Messaging Service (SMS) ay gumagamit na lamang ito ng application mula sa internet-based na ‘Whats-App’ upang maging libre ang pagse-send ng mensahe.

Dahil dito, himutok ng Globe, posibleng malugi sila ng 23-billion U-S dollars dahil sa naturang free messaging applications.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply