French PM Ayrault, dumalaw sa Cebu

SINALUBONG ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia at ng mga Cebuano dancers si French Prime Minister Jean-Marc Ayrault sa kanyang pagbisita sa Cebu City kaninang umaga.

Ang pagbisita ni Ayrault y upang mapatibay pa ang relasyon ng Province of Cebu government at ang bansang France.

Samantala, mahigpit naman ang mga bodyguards ni Ayrault sa seguridad nito kaya hindi pinayagan ang mga kawani ng media na makapanayam ang nasabing opisyal.

Pansamantala ring isinara sa mga sasakyan ang Escario hanggang Capitol, Cebu City para na rin sa kapakanan ng bumibisitang prime minister ng France.

Isa sa mga dahilan kaya nagpunta ni Ayrault sa probinsya ay ang planong pagbibigay ng financial support sa Cebu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply