From bratty to api-apihan!

DATI-RATI’Y wala kaming weather at panahon sa soap nina Iza Calzado, Jake Roxas, Gabby Concepcion at Andi Eigenmann.

Para kasing walang sense ang takbo ng kwento at hindi sympathetic ang mga character at may pagka-forcing through ang dating.

But lately, it has become so engrossingly interesting, we’re now riveted to our seats almost on a nightly basis magmula nang magkaroon ng panibagong twist ang dabolical character ni Andi na mala-Nora Aunor na ang character sketch these days.

Hitsura talaga ng character ni La Aunor sa isang movie na pinagsamahan nila nina Hilda Koronel at Philip Salvador sa character ni Andi rito sa ngayon.

Kumbaga, nagkaroon ng panibagong twist ito at mas nakare-relate na kami this time.

In a way, the other woman na naman ang role niya sa latest offering ng Viva films na A Secret Affair kung saan ang kaagaw naman niya ay ang bombshell na si Anne Curtis and they are fighting for the dick, I mean, (Hahaha!) the love, of Derek Ramsay.

Slated to detonate on the 24th of October, it’s from the screenplay of Mel Mendoza-del Rosario and under the competent direction of Nuel Crisostomo Naval.


May tulog sina Bea at Mommy Carina sa mga documented expose ni Atty. Topacio!

FOR their own sake, dapat, nararapat at karapat-dapat lang sigurong mag-issue na ng public apology sina Bea Binene at ang mom niyang si Mrs. Carina Binene bago sila tuluyang masira sa publiko.

Aminin na kasi nilang bara-bara ang kanilang banat sa de kampanilyang lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio at hindi nila pinag-iisipan ang kanilang mga pinakakawalang bukeke.

Bea and her mom appear to be ill-advised for if they are, why would they go against someone who knows what he’s doing and whose credibility has always been most intact and unassailable?

Huwag kasing bara-bara ang diskarte dahil in the end, sila rin, Bea in particular, ang matitimbog.

Sa press conference na ipinatawag ng sikat na abugado the other day sa Hotel Rembrandt, he was the paradigm of conviction and self-possession as he gave a blow by blow account of his answer to the allegations of Bea’s mom Mrs. Carina Binene.

It’s all over the papers (I mean, Mrs. Binene’s statement) so we won’t be dwelling much on it anymore but the proof stands that Atty. Topacio is the one telling the truth and the Binenes are flagrantly lying.

Tiyak na matutulala si Donia Carina dahil kumpleto ang mga papeles ni Atty. Topacio on her alleged statement to the effect that the famed lawyer was not, in any way, representing her daughter legally.

Sa rami ng mga supporting papers ng de kampanilyang lawyer, may tulog talaga sina Mommy Carina from the legal point of view, she might as well acquiesce to his simple demand that they issue a public apology so as not to further complicate matters and salvage the famed lawyer’s dignity and self-esteem.

Pero sa dinami-rami ng mga punto por puntong expose’ ni Atty. Topacio, ang nag-create talaga ng genuine interest on the part of the entertainment press ay ang issue tungkol kina Papa Dhan Villanueva, the controversial disc jockey from DWLS FM, na supposedly ay nangha-harass sa mag-inang Binene.

Bagama’t never namang nag-insinuate si Atty. na may something going on between Bea and the controversial deejay, it’s easily discernible from the way he was talking that there is something that more than meets the eye in as far as Bea’s purported relationship with Papa Dhan is concerned.

Kung wala nga namang itinatagong lihim itong deejay na ‘to na deleterious on Bea’s career, why would Bea’s personal PR Connie Tunggol talk to Atty. Topacio and request the good-natured lawyer to supposedly confiscate the cell phone and laptop of this Papa Dhan that was purportedly containing some vituperative ‘materials’ on Bea?

Kung hindi nga naman siya ang kanilang legal counsel, why would they want to talk to him while Habagat was fully venting his venomous wrath all over Metro-Manila over some matters that were supposedly a matter of life and death?

Hayan kasi at bahang-baha na ang buong Ka-Maynilaan dahil kay Habagat pero nagpa-panic raw si Madam Carina, it was most imperative that they should meet and talk about some important matters connection with this disc jockey from LS.

Anyway, if there’s one thing that Atty. Topacio finds quite disturbing, it was the fact na kadalagang tao ni Bea ay pinatira ng ina nito ang isang lalaki sa kanilang bahay for a period of seven months no less.

Anyhow, according to Atty. Topacio, may ongoing construction raw ng guest house sa bahay nina Bea for some reasons too incriminating for us to expound on. Hahahahahahahaha!

Going back to his case with Bea’s mom, very hurting nga naman on his part na in the end, mas kinampihan pa ng mag-ina ang deejay na ‘to at ang well-meaning intentions ng lawyer ang inilaglag.

Tama ba naman ‘yun?


Ma at pa!


Star talaga ang Showbiz Inside Report!

IBA talaga ang arrive ng showbiz oriented program ng ABS-CBN every Saturday afternoon na Showbiz Inside Report.

Imagine, matagal nang pinadarapa nito ang mga kalaban nila sa kanilang timeslot (it goes on the air every Saturday right after It’s Showtime) kaya sila na talaga ang undisputed winner.

Ang mag-go against the decision of the people ay magiging kamukha ni Bubonika, the rat-faced chaka. Hahahaha!

Puhleeezzzzeeee! Hakhakhak!

Pa’no naman, credible talaga ang hosts.


Sa SIR, iba talaga ang dating ng credibility ng mga hosts na sina Tsong Joey Marquez, Pareng Ogie Diaz, Ms. Janice de Belen at Ms. Carmina Villaroel.

Bawat buka ng kanilang mga bibig ay hanging on talaga ang televiewers because theirs is the voice of conviction and the truth in particular.

Sa Showbiz Inside Report ka na, mag-e-enjoy ka pa! Hahahahahahaha!


Sef Cadayona’s oozing with promise!

HABANG nagkakagulo ang mga entertainment writer sa scalding presence ni Aljur Abrenica sa presscon ng Coffee Prince last Wednesday eve sa GMA, tahimik lang na nakaupo sa aming tabi ang young character actor na si Sef Cadayona who has risen to fame by way of this icre cream commercial.

From a distance, he’s not that attactive and kind of plebeian but up-close, the young man looks cute and appealing.

For one, he’s got a flawless complexion (it’s almost satiny, sweet! Hahahahahahaha!), good set of pearly white teeth and a breath so fresh, it reminds you of idyllic summers spent in the province, CamSur in particular, where the wind is still fresh and the surroundings panoramic. Hahahahahaha!

Anyway, ka-loveteam niya sa Coffee Prince, that’s slated to replace One True Love starting October 8, ang newcomer na si Kim Komatsu who delineates the younger sis of the character being protrayed by Kris Bernal.

Barista siya rito sa Coffee Shop na pag-aari ni Aljur (Arthur) kung saan karamihan sa mga ‘action’ scenes ng soap would take place.

On the side, super happy and fulfilled si Sef sa kanyang indie movie na Slumber Party na take-off bale sa highly successful maindie movie na Zombading.

Going back to Coffe Prince, Sef is most thankful that GMA has been most supportive of him and has consistently been giving him acting jobs.

Hindi man daw lead roles ang kanyang ginagampanan, he’s happy nevertheless because he doesn’t run out of acting jobs and for him, that would more than suffice at the moment.

Oo nga naman.


Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.coam and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!    


About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply