“Gabi ng Katakot-takot na Katatakutan (Ikatlong Yugto)” sa Marikina inaabangan na

INIHAHANDOG ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang iba’t ibang patimpalak at programang pangkasiyahan at katatakutan bilang pagdiriwang ng Halloween sa  ika-29  ng Oktubre, Lunes sapul ika- 9 ng umaga sa  Freedom Park, Barangay Sta. Elena  Marikina City.

Pinamagatang “Gabi ng Katakot-takot na Katatakutan (Ikatlong Yugto)”, ang taunang pagdiriwang ay bibigyang kulay at saya sa pamamagitan ng mga aktibidad at patimpalak tulad ng Dogs Halloween Costume Contest na nahahati sa dalawang kategorya – ang small breed category at large breed category. Premyong PhP5, 000 ang maaaring maiuwi ng makakasungkit ng unang pwesto; PhP3,000 sa ikalawang pwesto; at PhP2,000 sa ikatlong pwesto.

Isasagawa rin ang Halloween Costume Parade sa ika-5 ng hapon. Magsisimula ang parada sa Freedom Park at magtatapos sa Patio Del Zapateros (JP Rizal Street, Brgy San Roque) kung saan isasagawa ang pagpapakilala sa mga kalahok at pagpapakilala sa mga mananalo sa bawat kategorya. Ang patimpalak ay nahahati sa sumusunod na kategorya: kids, adults, groups, and bikes (Zom-Bisikleta).

Sa ilalim ng Adult Category ay mayroong Zombie, Supernatural, Scary, Gory, Bloody, category at Cosplay, Anime, Futuristic, Alien at Fantasy subcategory na maaaring pagpilian. Mag-uuwi ang mananalo ng PhP10,000 para sa unang pwesto; PhP7,000 para sa ikalawang pwesto; at PhP5,000 para sa ikatlong pwesto. Para sa Kids Category, mayroon namang Zombie, Supernatural, Scary, Gory, Bloody, category at Cosplay, Anime, Futuristic, Alien at Fantasy subcategory na maaaring pagpilian. Mag-uuwi ng PhP5,000 ang mananalo para sa unang pwesto; PhP3,000 sa ikalawang pwesto; at PhP2,000 sa ikatlong pwesto.

Sa Group Category, maaaring lumahok ang isang grupo na may 20 miyembro pataas. Ang mga mananalo ay magkakamit ng premyong PhP20, 000 para sa unang pwesto; PhP15,000 para sa ikalawang pwesto; at PhP10,000 para sa ikatlong pwesto.

Sa Zom-Bisikleta (Bike Category), PhP7,000 ang naghihintay sa makakakuha ng unang pwesto; PhP5,000 sa ikalawang pwesto; at PhP3,000 para sa ikatlong pwesto. Ang mga nabanggit na kategorya ay bukas para sa lahat ng nais lumahok.

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon para sa Halloween Parade 2012, maaaring makipag-ugnayan sa telepono bilang (02) 942-2359.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply