Gabinete ni PNoy, iginisa sa Sin Tax bill

INIMBITAHAN ng Senado ang dalawang Cabinet official kabilang ang Presidential Legislative Liaison Officer ni Pangulong Benigno Aquino III upang kuwestiyunin sa pasaring kay Sen. Ralph Recto na tumanggap ito ng suhol sa ginawang committee report sa Sin Tax bill.

Nitong Miyerkoles, nagpatawag ng all-senators’ caucus si Enrile kasama sina Budget Secretary Butch Abad, Health Sec. Enrique Ona at PLLO Secretary Manuel Mamba upang magbigay linaw sa sinasabing lobby money na tinanggap ni Recto.

Kasalukuyang nagkakaroon ng executive session ngayon ang Senado kasama ang tatlong opisyal hinggil sa kinabukasan ng sin tax bill.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, pinadalhan nila ng liham sina Mamba, Finance Secretary Cesar Purisima at Health Secretary Enrique Ona para sa isang executive session.

Dagdag ni Enrile, inimbita nila ang tatlo hindi para sa public investigation o inquiry kundi para sa isang executive session.

Hindi naman tinukoy ni Enrile kung kailan gaganapin ang executive session.

Sinabi pa ni Enrile na nabuo ang desisyon na padalhan ng imbitiasyon ang tatlo matapos ang caucus ng mga senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply