Gamit sa illegal mining kinumpiska ng PNP sa S. Cotabato

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Tampakan  Philippine National Police (PNP) ang iba’t ibang uri ng kagamitan na ginagamit sa illegal mining sa South Cotabato.

Sa pangunguna ni Police Senior Inspector Ruelito Lumiguid Deputy Chief of Police nakumpiska ang mga illegal mining paraphernalia sa sitio Campo, Barangay Pulabato bayan ng Tampakan South Cotabato sa ikinasang operasyon sa nasabing area.

Nakuha ng mga pulis ang humigit kumulang sa 200 metro na rubberized hose at higit kumulang sa 100 metrong itim na plastic pipe at iba pa.

Wala namang naaresto sa mga suspek dahil tumakas ang mga illegal miner nang makita ang paparating na mga awtoridad sa lugar.

Sa kasalukuyan nasa costudy na ng Tampakan PNP ang mga na-recover na illegal mining paraphernalia.

Ayon kay Lumiguid matagal ng problema sa lugar ang walang tigil na illegal mining activities na sumisira sa kalikasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply