Gen. Nicanor Bartolome sabit sa Gapo KFR – NUJP

MASUSUBOK ang sinseridad ni bagong DILG Secretary Mar Roxas sa paglilinis ng mga corrupt at abusadong pulis sa kalagayan ng kapulisan at Peace & Order sa Olongapo City, ayon sa pahayag na ipinadala sa atin ng National Union of Journalists of the Philippines – Olongapo Subic (NUJP-OS).

Ito Ang Totoo: Direktang isinisisi ng NUJP-OS kay PNP Chief Nicanor Bartolome ang pag-“kidnap for ransom” ng limang pulis-Olongapo sa kapatid at manugang ng artistang si Jake Vargas na kay German Moreno pa kumuha ng P200K ransom at P20K umano ang kaparte ni PNP City Director SSupt. Christopher Tambungan.

Kasi naman, sa sandamakmak na sari-saring kaso na kinasasangkutan ng mga Pulis Olongapo, mula sa PO1 hanggang mismong sa city director na si Tambungan, walang aksiyon si Bartolome, tulad ng kanyang regional director na si C/Supt. Edgardo Ladao, kahit alam na nila ang situwasyon.

Ayon sa NUJP-OS, lalong naging mapangahas ang mga tiwaling pulis sa Olongapo dahil sa mistulang pagkanlong sa mga hinalipak na abusado at corrupt sa kanilang hanay.

Eto pa, si Supt. Armando Mariano ng Investigation Branch, Olongapo PNP na nagreklamo sa PNP Regional Headquarters kaugnay ng umano’y mga katiwalian sa pamunuan ni Tambungan, ang pinasibak sa pwesto ni Ladao bago raw magkaroon ng imbestigasyon ang kanyang tanggapan.

Anong klaseng utak po iyan, Sec. Roxas? Hindi po ba ang dapat i-relieve ay ang iniimbestigahan – si Tambungan, para hindi ito makaimpluwensiya sa isinasagawang imbestigasyon?

Hulidap, carnapping, robbery, murder, coercion, paglabag sa batas ng violence against women & children, sari-saring corruption at pati harassment sa media, ano pa ang hinihintay ni Bartolome, huwag na si Ladao?

Si DILG Secretary Roxas na lamang ang pag-asa, ayon sa NUJP-OS, kung ang kanyang pahayag na paglilinis sa PNP ay hindi “lip service” lang.

Sabi nga ni Olongapo Vice Mayor Rolen Paulino, hindi na mapagkatiwalaan ang kasalukuyang pamunuan ng Olongapo PNP.

“Kahit ako hindi mapalagay sa seguridad ng aking mga anak,” ani Paulino, “sa halip na mapanatag ka dahil nariyan ang pulis, nag-aalala ka dahil baka iyan pa ang gumawa ng kabaluktutan.” Ito Ang Totoo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply