Gerald tuloy ang pakikipagrelasyon kay Sarah G. kahit patago!

AKALA ng iba, totoong nagkahiwalay na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Tutol raw si Mommy Divine sa ginagawang panliligaw nito sa kanyang unica-hija.

Pero ano itong nabalitaan namin na tuloy pa rin daw ang relasyon ng dalawa, palihim nga lang at sobrang tagung-tago kaya madalas pa ring nagpapadala ng flowers and food kay Sarah G si Gerald at gumagamit lang ng ibang tao para hindi malaman ni mudra.

Maging si Sarah raw kahit na patago ang kanilang relasyon ay nag-e-enjoy. Masarap yata ang lihim na pag-ibig. Kahit sa pag-uusap nila sa cellphone, naglalagay sila ng codename para hindi sila mabuko ng majoray na ina ni Sarah G.

May balita pa kaming nasagap na ito palang si Gerald ay nagpapatayo na ng isang malaking mansyon sa isang sikat na subdivision sa Alabang.

Kung hindi si Sarah G., sino pa ba ngayon ang ibang babae na nali-link kay Gerald? Ngayon palang dear readers, mag-esep-esep na kayo kung sino ang nali-link sa aktor na kanyang ititira sa magarbong mansyon.

Hindi kaya magulat nalang si Mommy Divine o mismong mga tagahanga ni Sarah G. na isang araw ay totohanin na talaga ang bantang magtatanan sila at iuuwi na ni Gerald si Sarah sa ipinatatayo niyang mansion? ‘Yun lang!

***

BUHAT nang iniwan ni Paolo Contis ang kanyang live-in partner na si Lian Paz at ang kanyang dalawang anak, hanggang ngayon, hindi na pala nagpapakita o tumatawag man lang sa huli kaya balik-trabaho na lang uli ngayon ang beauty nito at kung may mga offers man na dumating sa kanya para sumayaw kasama ang kanyang mga rating katropa sa Eat Bulaga, tatanggapin na raw ulit ni Lian.

Walang raw iniwan na datung or budget si Paolo para sa kanilang mga pangangailan ng kanyang dalawang anak kaya todo kayod talaga ngayon ang iniwan nitong live-in partner.

Sus, Ginoo! ano ba naman itong si Paolo Contis? Andami-rami niyang raket ngayon, bakit hindi niya tulungan kahit na yung dalawang anak niya na iniwan kay Lian? Nakalimutan na yata nito ang responsibilidad niya bilang tatay na palakihin nang maayos ang kanyang dalawang anak.

Bakit naman kay Lian lang niya ito pinakakargo? Sana magising ang actor-comedian isang araw at maawa siya o maalala kaya niya ang kanyang dalawang anak. Wala kameng personal na galit kay Paolo pero bilang ama, dapat lang siguro na huwag niya basta na lang hinahayaan ang mga pangangailangan ng dati niyang ‘asawang’ si Lian.

***

GRABE! May pinagdadaaanan palang problema ang kaibigan naming talent manager na si Boy Pilapil na talent manager ng mga boldstar na sina Sophia Lee, Jean Andros at Lily Monteberde at ang bagets na sexy actor na si Norris John.

Balita namin, nag-ugat ang problema ni Papa Boy sa pagitan nila ng mommy ni Norris, na hindi lang klaro sa amin kung sa pera ba ang naging dahilan ng nasabing problema. Pero noong mapasyalan namin ang isang theater kung saan palabas ang isang pelikulang “Binatilyo” na produced ng NJ production at ni Papa Boy ay nagulat na lang kami sa manager ng sinehan nang sabihin niya sa amin na dalawa pala ang booker ng nasambit na pelikula.

Kaya kaagad naming tinawagan si Papa Boy para alamin kung ano ang nangyayari at doon namin napag-alamang meron palang hindi napagsusunduan ang mommy ng sexy actor at ang manager ng Taon.

Tuloy, naapektuhan ang Binatilyo dahil sa first day palang na showing last Oct. 11 ay sobrang nilangaw ang naturang pelikula.

Dahil sa awa ni Papa Boy, inutusan niya ang kanyang alalay na si Bluselle na pauwiin na lang itong si Norris John dahil sa wala naman palang mga fans na nagpapa-autograph at kailangang ngitian ni Norris John dahil nga sa nilalangaw ang Binatilyo.

Actually, ang rason sa aamin ni Sir J na manager ng nasambit na Cinerama theater sa Isetann Recto Manila ay may kasabay lang daw kasi ang pelikula ng young sexy actor kaya mag-agawan ito ng mga manonood.

Sana maayos kaagad ang gusot na ito sa pagitan ng mommy ng kanyang alaga na isa sa mga dahilang nakikita namin kung bakit may attitude ngayon si mommy ay dahil sa nagmamadali itong sumikat ang kanyang anak.

Ang kaso, hindi naman ganon kadali magpasikat ng artista. Kung si Robin Padilla, 5-6 years inalagaan ni Deo Fajardo bago ito napasikat. Isa pa, nang sumalang sa pelikula si Robin, may mga malaking artista agad na nag- support sa kanya, samantalang si Norris John ay wala pa yatang 2 years sa kwadra ni Kuya Boy.

Kung gusto nilang magkapangalan ang anak nila, bat hindi nila gawan ng isang proyekto at suportahan ng mga mabibigat na artista para matangay sa kasikatan ang kanilang anak?

Paalala lang po mommy, wag muna kayong magmamadali dahil ginagawa naman lahat ni papa Boy ang paraan para magkapangalan sa showbiz ang inyong gwapong anak.

Yun Lang!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply