Ginang arestado sa pang-uumit ng palaman

NADAKIP ang isang ginang matapos tangkaing ipuslit ang mga palaman na nagkakahalaga ng P36 sa isang grocery sa Caloocan City kagabi.

Kinilala ang ginang na si Nida Santorre, 56 ng Earth st., Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, pumasok ang ginang kasama ang mister sa Ultramega sa T. Samson st., Deparo ng lungsod.

Papalabas na ang mag-asawa nang harangin ng sekyung si Alexander Gumabon at pinabuksan ang dalang bag ng ginang.

Nang buksan ay nakita ang 6 na sachet ng Cheese Whiz at nang hingan ng resibo ay walang naipakita na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply