Ginang hinalay, pinatay matapos pagnakawan

HALOS naaagnas na nang makita ang bangkay ng ginang na hinalay at pinagnakawan pa ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City, kagabi.

Nakilala ang biktima na si Elena Pamor, 57, ng Phase 3, Camarin ng lungsod.

Lumalabas na dakong alas-7 ng gabi nang makita ng bangkay ng biktima na patay sa banyo ng kanilang bahay.

Nabatid na sinabihan ng mga kapitbahay ang pamilya ng biktima na apat na araw na nilang hindi nakikita ang ginang.

Napilitan humingi ng tulong sa mga pulis ang mga kaanak ng biktima at nang buksan ang bahay ay nakitang magulo ang mga gamit at hanggang sa makita ang bangkay ng biktima sa banyo na may mga saksak sa katawan at may palatandaan na hinalay pa.

Nawawala rin ang ibang gamit ng biktima kung saan inaalam na mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply