Ginang ikinubli sa ari ang shabu, tiklo

KAHIT ibinilot na sa papel na pera at ipinapasok pa sa loob mismo ng ari, nabuko pa rin ng awtoridad ang  pagtatangkang pagpuslit ng isang ginang na ipasok ang isang sachet ng shabu sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tacloban kaninang umaga (Oktubre 14).

Nakakulong na ngayon sa Tacloban City Police Office (TCPO) at nakatakdang kasuhan bukas ng umaga (Oktubre 15) sa korte ang suspect na si Josephine Toribio, 40-anyos residente ng Barangay 65 Paseo de Legaspi, Tacloban City dahil sa paglabag sa Section 11 ng Article II ng Rtepublic Act 91165.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8 ng umaga sa loob ng BJMP sa Tacloban City.

Bago ito, dahil araw ng dalaw kaninang umaga ay nagpunta si Toribio sa BJMP upang bisitahin ang kanyang mister na si Bartomlome na nakakulong sa nasabing piitan.

Kasama pa nito ang kanyang dalawang taong gulang na anak nang dumalaw ito sa piitan.

Dahil may standard procedure ang BJMP, isinasailalim ang suspect sa strip search at napansin ng mga jail officers na tila balisa ito habang kinakapkapan.

Dahil dito, ipinahubad ng mga jail officers ang underwear na suot ni Josephine at pinaharap sa salamin at doon nabuko na may nakapasok na P100 bill sa loob ng puerta nito.

Nang buksan naman kung ano ang laman ng naturang papel na pera ay bumungad sa mga jail officers  ang isang sachet ng shabu.

Ayon sa suspect, inutusan lang siya ng isang bakla na dalhin ang iligal na droga sa isa ring bilanggo pero hindi ito pinaniwalaan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply