Ginang kulong sa bato

KULONG ang isang ginang matapos mahulihan ng mga shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City kagabi, Oktubre 8.

Nakilala ang suspek na si Mary Janice Bonifacio, 32, ng 8th Avenue ng lungsod.

Nabatid na ininguso ang suspek na nagbebenta ng shabu sa nasabing lugar na naging dahilan upang magkasa ng buy-bust operation dakong alas-11:50 ng gabi.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng P500 ay agad na dinamba ang suspek.

Nakuhanan pa ng pitong sachet ng shabu ang suspek na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply