Ginang na natutulog, pinasabog ang bungo

HINDI na nagising pa ang isang ginang matapos pasabugin ang bungo habang natutulog katabi ng kanyang pamilya kaninang umaga sa Laoag.

Sa report na nakarating sa Camp Crame,  kinilala ang biktima na si Ursula Respicio, 30, ng Barangay Cabungaan,  nabangit na siyudad.

Sa pagsisiyasat, naganap ang pamamaril alas 4:30 ng madaling araw ng pumasok sa loob ng kanilang bahay ang hindi pa nakikilalang suspek.

Dumaan ang salarin sa siwang ng nakabukas na bintana ang nang makalapit sa ginang ay tinutukan ito ng shotgun sa ulo at saka pinaputukan.

Target ngayon ng manhunt operation ang hindi pa nakikilalang suspek na mabilis na tumakas matapos maisagawa ang krimen.

Nabatid na nagulantang na lamang sa lakas ng putok ang asawa ng biktima ang mga anak nito subalit hindi naman sila ginalaw ng suspek na agad na tumalilis.

Wala umanong kaalitan ang ginang at wala rin itong natatangap na mga pagbabanta subalit sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong pautang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply